May 7, 2024

PBA, INASEMBOL NA ANG 12 PLAYERS BILANG LEAGUE AMBASSADIRS SA SUPER LEAGUE

Inilatag na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 12 players na magsisilbing league ambassadors. Ito ay sa nakatakdang paglarga ng East Asia Super League (EASL) season. Ang inasembol na line-up galing sa 12 teams sa PBA.


Sila ang kakatawan sa soon-to-be-launched meet na liga. Na ang format ay home-and-away games gaya ng sa NBA.
Kabilang sa line-up sina Paul Lee (Magnolia), Jeron Teng (Alaska), Roger Pogoy (TNT), Scottie Thompson (Ginebra), June Mar Fajardo (SMB) at Gabe Norwood (Rain or Shine).


Kasama rin sina Matthew Wright (Phoenix), Kevin Ferrer (NorthPort), Kevin Alas (NLEX), Chris Newsome (Meralco) at Juami Tiongson (Terrafirma). Ikinamada rin sa ambassadors si Jared Dillinger ng Ginebra. Na pinromote ng EASL.


“There is something about international competitions. Bragging rights are on the line going up against Asia’s best clubs,” ani Dillinger.