May 18, 2024

James De los Santos, nakasipa ng ginto sa E-Katate Word Series 2021

Muling nagningning sa E-Karate World Series si James De Los Santos. Nakasungkit ng gold medal sa Male Shotokan Division.

Dinaig ni James sa semifinals ang pambato ng Spain. Tinalo naman nito ang pambato ng Switzerland  na si Biel Bienne sa final round.

Dahil sa panalo, ang nasipang ginto ay pangatlo na ni De Los Santos ngayong 2021. Masaya din si James dahil sa nanalo rin ang kanyang kata students sa MKKPI.

Nakasipa ng tatlong gold medal si Fatima- A- Isha Lim Hamsain. Nagningning  sa U16 at U18 women’s eKata division. Gayundin sa U15 women’s eKumite.

Nagwagi naman ng silver si Christina Colonia sa U18 women’s eKata division.Kaya naman, Malaki ang pasasalamat ni James sa Panginoong Diyos dahil sa ibinigay na oportunidad.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga sponsors.