May 18, 2024

Hindi raw sa pagmamayabang… VICE GANDA, ALAM NIYANG SUPER YAMAN NA SIYA

NA-INSTILL nasa utak ni Vice Ganda na isa siyang magaling na tao at matalino. Kasi noong bata pa siya lagi siyang may award na natatanggap, alam niyang magaling siya dahil scholar siya. Kaya bata pa lang siya ay, naininiwala na siyang magaling talaga siya.

 “Hindi naman sa nagyayabang ako o nagbubuhat ng aking sariling bangko, alam ko namang matalino at magaling akong bata. Kaya siguro na abot ko iyong gusto kong marating sa aking buhay. Kung hindi ako matalino, mararating ko ba itong kinalalagyan ko sa ngayon?

 “Iyang tungkol sa kayamaan, alam ko namang mayaman na ako. Kung susukatin ko sobra-sobra na para sa aking buhay. Mayaman ako sa pagmamahal ni Ion Perez, mayaman ako sa aking pamilya dahil, mahal nila ako at suportado nila ang aking buhay.  

“Basta mayaman ako sa pananalapi, mayaman ako sa kaligayahan sa aking puso, mayaman ako sa mga pangarap kong natupad. Kaya kung susumahin ang yaman ko,sobra-sobra ito. At laking pa sasalamat ko dahil naalagaan ko ang yaman kong ito,” sey pa ni Vice Ganda.