PINABULAANAN ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang usap-usapan na tatakbo siyang Senador.
Sa panayam ni Anthony Taberna, tinawanan lang ng naturang First Lady ang balitang ginagamit niya lang ang LAB for All Caravan para sa ambisyon na pasukin ang politika.
“My favorite is, I’m doing LAB for All because I’m going to run for Senate. Sabi ko, pati ba naman yan nilagyan ng [malisya],” aniya.
Ipinaliwanag ng misis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na layon ng proyekto na makapagbigay ng medical services sa mahihirap na Filipino na sinuman noong siya’y nagtuturo sa Iloilo City.
“That’s how it started kasi I had to wait three hours for my class so we go to LAB for All,” masayang pagbabahagi ni Araneta-Marcos.
“And, then, they say, kasi tatakbo ako, ganyan, ganyan. Sabi ko parang ang layo niyan a,” dagdag niya.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela