May 17, 2024

OLIVER MOELLER AT KIM CHIU, MAGSASAMA SA ISANG MOVIE PROJECT

MASAYA ang mga fans nina Kim Chiu at Oliver Moeller dahil pumirma na nga ng kontrata itong si Oliver Moeller sa Cornerstone Entertainment.

Mukhang sa Star Cinema gagawa ng pelikula sina Kim at Oliver at nakatitiyak tayo na papatok ito dahil maganda naman ang chemistry ng dalawa. Tumpak!

Kung papalarin ay baka ngayong taong 2024 ay uumpisahan na ang nasabing movie project na wala pang titulo.

Baka nga maisali pa ang kanilang magiging movie sa darating na Metro Manila Film Festival.

Well, sana nga matuloy ang kanilang movie project. Ngayon pa lang, ay hindi rin makapaghintay ang inyong lingkod. Talagang aabangan ko ‘yan!