May 17, 2024

Nagmura sa birthday concert niya… DANIEL, ‘DI MATANGGAP NA WALA NA SAPILING N’YA SI KATHRYN

MASAKIT ang katotohanan na kung sino pa iyong taong minahal ni Daniel Padilla, iyon pa ang nang iwan sa kanya. Nagising na sa katotohanan si Kathry Bernardo, dahil sa mga panlolokong ginawa nitong si Daniel.

Kaya nang magdiwang si DJ ng kaarawan sa Batangas ay damang-dama ang pangungulila nito sa kanyang dating kasintahan.

Habang kinakanta niya ang “Hinahanap-hanap Kita,” dinig na dinig ang pagmumura nito sa stage. Take note, binago pa niya ang lyrics ng kanta at halatang patama ito kay Kathryn. Awtsu!

Dapat talaga mag-move on na si Daniel. Tanggapin na niya na hindi na babalik sa kanyang piling si Kathryn. ‘Yun lamang po