May 17, 2024

MARCOS ADMIN MARAMI NANG NAGAWA SA LOOB NG 2 TAON – PBBM

BUONG yabang na ipinagmamalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na marami nang nagawa ang kanyang administrasyon sa loob ng mahigit kumulang dalawang taon.

Sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas sa Maynila, sinabi ng Pangulo na resulta ito ng “unity, open and approach” ng gobyerno.

“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” ayon kay Marcos.

“And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo,” dagdag pa niya.

Aniya pa, lumikha ng magandang resulta ang pagkakaisa ng administrasyon at ng partners nito.

Samantala, nanawagan ang Chief Executive sa mga miyembro ng PFP na ipagpatuloy ang pagpapalakas sa political party na itinaguyod noong 2018.

Naniniwala rin si Marcos na susuportahan ng mga Filipino ang PFP sa susunod na eleksyon.

“Maliwanag na maliwanag na ang taong-bayan dito sa Pilipinas ay talagang sinasabi maganda itong ginagawa natin na sabay-sabay tayong tumutulong,” dagdag niya.