May 18, 2024

HIGALAS, GINAROTE ANG GOLDEN EAGLES SA INTENSE GAME

Nakatakas ang Cagayan De Oro Higalas sa isang intense game sa Cocolife Pilipinas Super League. Ginarote ng Higalas ang Cagayan Valley Golden Eagles, 69-67 sa laro na idinaos sa Manuel Roxas Sports Complex kahapon.


Selyado na sana ng Cagayan Valley ang panalo sa ginawang layup ni Joseph Marquez. Kung saan , nagbigay ito ng 67-65 lead sa Golden Eagles, may 1:53 mark sa 4rth. Gayunman, nakuha ng Higalas ang lead sa ginawang tres ni Nicole Ubalde, 68-67 sa 45 seconds mark.


Nabigong ibigay ni Marquez ang kalamangan sa Golden Eagles ang magmintis ito sa tres. Natapal din ang tangkang layup ni James Castro ni Red Cachuela.


Na-foul si Richard Kwong sa paghablot sa bola. Ngunit, isa lang ang naibuslo nito sa free throw, may 16 seconds pa ang natira. Muling nagmintis si Castro sa layup nang bumalik sa Golden Eagles ang possession.

Nanguna sa opensa ng Higalas si Jaybie Mantela na nagtala ng 13 points, 4 boards at 6 assists. Muling lalaro ang Hilagas kontra Pagadian Explorers sa ganap na ika-7:00 ng gabi.