May 13, 2024

HARLENE BUDOL, INTRIGANG ‘KAIN TAYO’ GINAWANG SINGLE AT MUSIC VIDEO

GINAWANG single ang intrigang ‘Kain Tayo,’ na naging viral ito sa social media. Kinasasangkutan ito ni Rob Gomez at Harlene Budol na co-star niya sa ‘Magandang Dilag,’ na pumatok sa mga televiewers.

“Tiyak raw na papatok ang single na ‘Kain Tayo,’ dahil ang genre nito ay pangkahalatan. Magugustuhan ito tiyak ng madlang pipol, na patuloy na sumusuporta kay Harlene Budol.

“Nag-post nga si Harlene sa kanyang Facebook ng, ‘Lunch break na po! Oras na po ng lafang to the highest level sa buffet, Chi-cha tayo para busolve, Siempre indi mawawalang ang [Budol] boodle fight mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Tara mag mukbangan na! Eggzoited much para sa Music Video – “KAIN TAYO.” “Tiyak daw na tatangkilikin ito ng mga bata pati na rin ng mga may idad na, kaya paalala niya na suportahan ang kanyang single at mga up coming show,” pahayag ng aking source.