November 23, 2024

GREEN ENERGY, ISULONG PARA SA KAPAKANAN NG KALIKASAN AT NG ATING KAPALIGIRAN

Magandang araw mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan

Hindi lang tayo ang dumaranas ng mga di pangkaraniwang pangyayari sa ating bansa, lalo na sa batas ng kalikasan. Nangyayari rin ito sa ibang bansa, at maging ang mga tinaguriang super-power ay hindi rin ligtas sa ganitong phenomenon, na ayon sa mga eksperto ay dulot ng “climate change” dahil sa walang patumanggang paggamit ng “coal energy”.

Kabahagi sa pagsisikap ng pamahalaan sa iba’t ibang bansa na mapabagal ang paglala ng “climate change” – ‘di man nito tuluyang mapigilan — ay ang unti-unting paglipat sa paggamit sa “renewable energy sources” na mas kilala bilang “green energy”, kapalit ng makaluma at mapaminsalang “carbon energy fuel”.

Kabilang sa “green energy” na ginagamit ng malalaking industrial companies sa buong mundo – na ngayon ay ginagamit na rin sa ilang malalaking kumpaniya rito sa ating bansa, gaya ng San Miguel Corporation (SMC) – ay ang mga tinatawag na biomass, geothermal, hydro, ocean, solar, wind at hybrid systems.

Ito ay bilang pagtalima sa Republic Act No. 9513 (Renewable Energy Act of 2008) na isinabatas upang palawakin ang pagsasaliksik hinggil sa mapagkukunan ng “green energy” at mapabilis ang paggamit nito sa buong bansa, kapalit ng carbon energy. Naniniwala kasi ang mga eksperto natin sa enerhiya na aabot sa 15,304 Megawatts (MW) ang kuryenteng magagawa bago mag-2030.

Mura ang gastos sa paggamit ng coal energy. Kaya’t maraming negosyante ang tumatangkilik dito. Pero matindi ang babala ng mga eksperto sa kalikasan sa masamang epekto nito sa ating kapaligiran.Adios Amorsekos.