April 27, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, TARGET LAMBATIN SI BRADLEY BEAL NG WASHINGTON WIZARDS

Target ng Golden State Warriors na malambat si Bradley Beal ng Washington Wizards. Ito’y habang tutok ang team sa 2022 NBA Finals kontra Boston Celtics. Kahit wala pang resulta sa finals, may plano na ang Dub City sa next season.

Ayon sa source na si Ben Stinar ng Fastbreak, nais ng Warriors na ipareha si Beal kay Steph Curry. Gayundin kina Klay Thompson at Draymond Green. Ganito rin ang turan ni Ramona Shelbourne ng ESPN.

Gayunman, hindi pa malinaw kung sino ang magiging kapalit ni Beal. O kung ilang players ang ilalatag bilang kapalit nito. Ilan sa haka-haka ay sina Andrew Wiggins, Otto Porter, Jordan Poole at Jonathan Kuminga.