May 3, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, RUMEKTA NA SA WESTERN CONFERENCE FINALS

Rumekta na ang Golden State Warriors sa Western Conference finals matapos ang 3 taong pagkauhaw sa kampeonato. Tinagpas ng Warriors ang Memphis Grizzlies sa Game 6, 110-96 sa west semifinals. Tinapos din ng ‘Dub City’ ang serye sa 4-2 at di na pinaabot pa sa Game 7 ang laro.

Nanguna sa opensa ng Warriors si Klay Thompson na gumawa ng 30 points, 8 boards at 3 blocks. Nagdagdag naman si Steph Curry ng 29 points, 6 boards, 5 assists at 2 blocks.

Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 18 points, 10 boards at 3 blocks. Sa panig naman ng Grizzlies, bumistay si Dillion Brooks ng 30 points, 4 boards at 3 steals. Lumagare naman si Desmond Bane ng 25 points, 7 boards at 2 assists.

Dikit ang laban mula 1st hanggang 3 quarter. Katunayan, nagkaroon ng 13 lead changes ang dalawang team. Ngunit, nakaalpas ang Warriors sa 5th minute mark ng 4th quarter. Kung saan, lumamang sila ng mahigit sa 10 points.

Hihintayin na lang ng team ang makakalaban nila sa West Finals. Ito ay sa pagitan ng Dallas Mavericks at Phoenix Suns.