April 27, 2024

KIM MANGROBANG AT IBA PA, SUMUNGKIT NG MEDALYA SA TEAM PH

Nagdagdag si Kim Mangrobang ng isa pang gold medal para sa Team Philippines. Nakuha niya ito sa women’s individual triahtlon sa 31st SEA Games. Naiambag din nila ang nakuhang medalya sa ika-7th gold ng bansa.

Slver medal naman ang naiambag ni Agatha Wong sa wushu squad. Natagpas niya ang nang magtapos sa 2nd place sa women’s Taolo Taijiquan event.

Sumagwan naman si Olympian Cris Nievarez ng bronze medal. Nakuha niya ito sa Rowing Men’s Lightweight single sculls.


Bukod sa kanya, sumungkit din ng isa pang bronze si Raven Alcoseba. Nadali ito ni Alcoseba sa women’s individual triahtlon event. Habang sinusulat ito, umakyat na sa 4th place ang Pilipinas sa medal tally. Nakakopo ang bansa ng 36 medals. Kung saan, 7 rito ay gold, 14 ang silver at 15 ang bronze.