May 1, 2024

BOSTON CELTICS, PINILAY ANG MILWAUKEE BUCKS SA GAME 6

Pinilay ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks sa Game 6 ng East semifinals, 108-95. Kaya naman, itinirak ng Celtics ang 3-3 sa series. Naipuwersa rin nila ang do-or-die sa kanilang home court sa susunod na laro.

Nanguna si Jayson Tatum sa opensa na mayroong 46 points. Kasama na rito ang 9 boards at 4 assists. Nagdagdag naman si Jaylen Brown ng 22 points, 5 boards at 4 assists. Sa panig naman ng Bucks, bumira si Giannis Antetokounmpo ng 44 points, 20 boards at 6 assists.

Mayroon din siyang naitalang 2 blocks sa laro. Sa umpis apa lang ng laro, maganda na agad ang opensa ng Celtics. Lalo na ang ritmo ni Tatum. Dumikit ang Bucks pero di nila naapula ang good shooting ng Boston.

Katunayan, lumamang pa ang Celtics ng 15 points sa 3rd quarter. Gagawin ang Game 7 sa balwarte ng Boston sa Linggo ( Lunes PH time).