Simula ng umalingasaw at isambulat ang trilyones na halaga na para sa “flood control projects” na kinurakot ng magkakasangkot na mga contractors, DPWH at mga mambabatas, mukhang nabura na sa prayoridad at listahan ng pamahalaan ang matagal nang problema rin ng korupsyon sa Mindanao.
Ang tanong, ano na nga ba ang nangyari sa isinasagawanf imbestigasyon ng kongreso hinggil sa mga kasong kinasasangkutan ni Minister Abdulraof A. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHE) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARRM hinggil sa maanomalyang pag-gastos sa pondo na umaabot sa P2.2 bilyon?
Kaugnay nito, sumulat na si BARRM Chief Minister Abdularaof A. Macacua kay COA Chief na Gamaliel A. Cordoba na magsagawa ng special audit hinggil sa anomalya.
Kung ang mga apektado ng katiwalian sa pagkawala ng trilyong pondo para sa flood control ay ang ating mga kababayang binabaha, edukasyon naman nawalan ng malaki sa malawakang pandarambong sa MBHTE.
Paano nga ba gaganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga taga-BARRM kung mismong ang mga nakaupo ay walang ginawa kundi kurakutin ang kaban na para dapat sa mamamayan.
Ikinatatakot nga ba ng mga mamayan ng BARRM na maubos ang pondo ng peace process, edukasyon at kabuhayan dahil nagpapatuloy di-umano ang korupsyon sa hanay ng mga nangangasiwa nito.
Totoo kaya na pinagtatakpan din ang ginagawa umanong pangungurakot ng mga kaanak sa opisina ni Chief Minister?
Abangan na lamang natin mga Cabalen kung bibigyan ng pansin at halaga ng kongreso ang hiling ng mga mamamayan ng BARRM na imbestigahan ang anomalya sa MBHTE.
