May 1, 2024

FAVORITE PLAYER KASI; 94-ANYOS NA LOLA, PINADALHAN NG JERSEY NI DANNY GREEN NG PHILADELPHIA

Binigyan ng jersey shirt ni Philadelphia 76ers guard Danny Green ang isang 94-anyos na lola. Bakit?

Kasama kasi sa list ng kanyang paboritong players si Green. Ang numero uno ay si James Harden ng Brooklyn Nets.

Si Green din ang paboritong 76ers player sa ngayon.Dahil dito, pinasalamatan ni Green ang lola dahil sa good taste daw nito.

Kung kaya, sinorpresa ni Green ang lola na pinadalhan ng jersey nito.

“Thank you for picking me,” mensahe ni Green sa matanda.

Sa kanyang gayung edad, ng nasabing lola ay nahihilig na sa basketball. Kaya naman, naging an siya ng NBA at madalas nang nanonood nito.

Sa nakalipas na taon, pinag-aralan ng lola ang NBA at inilista ang mga paborito niyang players sa bawat teams.

Dahil dito, nagviral si lola sa social media nang ipost sa Twitter ng apo nitong si Lili Gu ang tungkol sa NBA crazed.

Pinost nito ang picture ng lola na may hawak na notepad. Kung saan, isinusulat ang list ng kanyang favorite players. Natuwa naman ang NBA community sa ginawa ng lola.

Grandma also says thank you to all her new fans and to TV networks that reached out!”

She is incredibly flattered, but she isn’t about the fame and just getting out o isolation and too much excitement affects her blood pressure.”

“She just happy this made people happy,” Tweet ni Lili.