Photo courtesy of Spin.ph
Mistulang leon si Eumir Marcial nang patumbahin niya si Bernard Joseph via third-round technical knockout nitong Sabado, July 19 (Linggo, July 20 sa Pilipinas), sa pagbubukas ng Manny Pacquiao–Mario Barrios card sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Tatlong malalakas na left hook sa ulo ang pinakawalan ni Marcial para tapusin ang laban sa 1:55 ng round 3, at umiskor ng kanyang 6th straight win, apat dito ay knockout!
Sa unang round pa lang, nagpalitan na ng mga bombang suntok ang dalawa. Pero pagdating ng second round, bumitaw si Marcial ng kombinasyon at hook na nagpatumba kay Joseph.
Nakatayo pa si Joseph matapos ang knockdown, pero aminado si Marcial na alam na niyang wala nang tatagal pa.
“Naduling na eh, alam kong hindi na tatayo. Body shot tapos left straight, yun na ‘yun,” ani Marcial matapos ang laban.
Late replacement lang si Joseph para kay Alexis Gaytan, pero hindi ito naging problema kay Marcial. Kahit hindi kabisado ang estilo ng Amerikano, dikit ang mga jab ni Eumir at siya ang nagdikta ng laban mula umpisa hanggang matapos.
Bumagsak si Joseph sa record na 11-3-2 habang si Marcial ay nananatiling undefeated sa professional career sa 6-0 (4 KOs).
Present sa laban si POC President Bambol Tolentino na bumati kay Marcial at nagsabing umaasa siyang makikita ulit si Eumir sa 2028 Los Angeles Olympics.
Si Marcial ay may suporta rin mula kay Zamboanga City Councilor Junie Navarro, habang sa kanyang corner naman ay sina Coach Joven Jimenez at dating world champion Jerwin Ancajas.
Ito ang unang pro fight ni Marcial matapos ang mahigit isang taon.
“Sanay na sanay na ulit ako sa ring. Dahil sa experience ko, nakuha natin ang panalo.” ani Marcial, na tila lalong lumalakas habang tumatagal. Sa susunod, sino kaya ang susunod na babagsak sa mga kamao ng Zamboangueño Pride?
