May 13, 2024

EGAY ERICE NAKIPAGTULUNGAN KAY ALAN CAYETANO PARA SA DAGDAG-PUHUNAN NG SARI-SARI STORE OWNERS

Nakipag-partner si Caloocan Rep. Egay Erice kay Taguig Rep. Alan Cayetano upang tulungan ang mga may-ari ng sari-sari store. 

Sa tulong ni Cayetano, nakatanggap ang mga 100 business owners ng P3,500 mula kay Erice bilang pandagdag puhunan.

Hinikayat din ni Erice ang mga sari-sari store owners na lalo pa nilang sipagan upang lumago ang kanilang negosyo.

“𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐨 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐮𝐡𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐮𝐦𝐚𝐬𝐞𝐧𝐬𝐨. 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨” saad niya.

Tinutungo ni Cayetano ang iba’t ibang bahagi gn bansa upang magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga Filipino na labis na naapektuhan ng pandemya.