
Hindi lang sa pelikula marunong magpatawa si Edu Manzano, pati sa Facebook, trending ang kanyang bagong “career” bilang meme-based contractor.
Nag-post ang aktor-TV host ng serye ng AI-generated photos kung saan siya ay nakasuot ng hard hat at nagbibida bilang “Engineer Edu,” sabay banat ng patawa tungkol sa mga proyektong pang-infra na halatang hugot sa mainit na isyu ng mga “ghost projects.”
“Relax, guys… ako na bahala sa road to forever. Bill, Bill, Bill. 20% semento, 80% kupit,” biro ni Edu sa isang caption.
Hindi pa doon natapos ang hirit, mula sa “plot hole sa kalsada” hanggang sa Hermès bago semento, Rolls Royce umbrella, at taxpayer money as coffee, pinasok ng beteranong aktor ang lahat ng kalokohan sa kanyang satire.
Umani ng libo-libong reactions ang kanyang posts.
“Breadwinner n’yo kami not by blood but by flood,” komento ng isang netizen.
May isa pang natawa, “This is, were our taxes GONE.”
Sa viral na meme spree na ito, pinatunayan ni Edu na bukod sa pagiging batikan sa showbiz, kaya rin niyang magpatayo ng sariling imprastraktura ng katatawanan online.
