November 24, 2024

ECQ NASAYANG LANG – HPAAC

Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

“HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have yet to be implemented,” ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19.

Ayon sa grupo, tila wala pa ring plano ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya dahil masyado umano itong kampante sa mga “short-term” o pang-madalian na hakbang tulad ng paghihigpit sa publiko.

Bagamat napapabagal naman daw ng mga quarantine ang pagkalat ng sakit, hindi pa rin umano maikakaila na nananatiling mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus.

“This ECQ may have slowed down the spread, but the numbers are still perilously high.”

Ilang rekomendasyon ang inilatag ng HPAAC bilang tugon sa iba’t-ibang problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nabibigyan ng karampatang tugon.