April 15, 2025

‘DQ’ VS VENDOR PARTYLIST

Dumulog at nag-file  ng reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) ang election watchdog na Kontra Daya laban sa Vendors party-list, upang ipawalang-bisa ang kanilang registration.


“Ang Kontra Daya ay nag-file ng petition or complaint para i-disqualify ang isang party-list group at ang party-list group na ito ay Vendors Party-list. Ang grounds for disqualification, lumalabas sa aming pag-aaral na yung top three nominees ay hindi talaga mga vendor,” saad ni Arao. “It’s a big mockery of the law, particularly the Party-list System Act of 1995 to have party-lists like these. At dapat lang ma-disqualify sila,” ayon kay Kontra Daya Convenor Prof. Danilo Arao.

Isinagawa ang paghahain ng reklamo matapos lumabas sa sa pag-aaral ng Kontra Daya kamakailan lang na 55.13 percent o 86 ng 156 party-list groups na naghahangad maupo sa House of Representatives para sa Eleksyon 2025 ay hindi kumakatawan sa mahihirap o sa marginalized sector.

Ayon sa Vendor Partylist, target nila na isulong ang mga karapatan at oportunidad para sa mga maliliit na negosyo at maninida.

Gayunpaman, sinabi ng Kontra Daya sa kanilang 33-pahinang reklamo, hindi mga tunay na vendors ang mga unang tatlong nominees ng nasabing party-list na sina Malou Lipana, Florencio Pesigan at Sheryl Sandil, at hindi rin sila mula sa marginalized na sektor na tinatayuan nila bilang kinatawan o nire-representang partidong manininda. (BG)