May 7, 2024

DONITA ROSE, MAS PINILING MANIRAHAN SA IBANG BANSA

Nasa US na si Donita Rose at doon na rin siya maninirahan kasama ang buong pamilya. May trabaho naman si Donita roon.

Tumatayo siyang Corporate Research and Development Cheft sa Island Pacific Market.

Masaya naman ako, iba talaga kapag kasama mo ang iyong pamilya. Kahit baon ka sa mga pagsubok ay kaya mong malagpasan ang lahat. Syempre mamimiss ko rin ang showbiz, ganun talaga need ko kasing magdesisyon at ito ang ginawa ko,” sambit ni Donita.

“Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang mahalaga, pera o ang kaligayahan sa piling ng aking pamilya? So mas pinili ko parin ang pera at kaligayahan. Pera, dahil may matino akong trabaho doon at ayaw kong ma-stress alam niyo naman pandemya ngayon,” kwento pa ni Miss Donita Rose.

MATT GARCIA