April 27, 2024

UTAH JAZZ, PINIGTAS ANG LOS ANGELES CLIPPERS, 112-109 SA GAME 1

Humataw ang Utah Jazz mula sa pagkakalubog upang kunin ang Game 1 win kontra Los Angeles Clippers. Pinigtas ng Jazz ang Clippers sa iskor na 112-109 sa Game 1 ng West Semis.

Bumuslo si Donovan Mitchell ng 32 points sa second half sa kanyang kabuuang 45 points, 3 boards at 5 assists. Dahil dito, nahabol ng Jazz ang double-digit na kalamangan ng Clippers.

Tumulong naman si Jordan Clarkson sa pagpukol ng 18 points. Gayundin si Bojan Bogdanovic ng 18 points. Bumuslo rin sina Mitchell at Clarkson ng 12 three- pointers.

Inakay naman ni Kawhi Leonard ang Clippers sa pagtala ng 23 points. Kumana naman si Paul George ng 20 points at 11 boards.

Habang si Luke Kennard ay lumigwak ng 18 points. Muling magtutuos ang dalawang team sa Biyernes, Manila time.