May 3, 2024

Doc Rivers sa anak na si Austin; “Do not sign with the club”

Interesado ang Philadelphia 76ers sa serbisyo ni Austin Rivers, anak ng bagong coach na si Doc Rivers. Nasa free agency ngayong off season ang batang Rivers pagkatapos maglaro sa Houston Rockets.

Pero, sinabihan siya ng tatay niya na huwag lumagda sa team. Maapektuhan aniya ang diskarte niya. Easy target ang anak niya.

Ayaw niyang mahaluan ng politika kung sakali ang sitwasyon. Kung matatandaan, naglaro noon sa Los Angeles Clippers si Austin. Tatlo’t kalahating season din ang itinagal nito.

Ayaw isipin ng nakatatandang Rivers na pinapaboran niya ang anak. Bagay na ayaw niyang maulit uli gaya ng sabi-sabi noon.

For Austin it’s better. He’s his own player. Unfortunately for him, me being the dad.”

“He’s just an easy guy to target. I have felt since the separation, it’s been really good for him,” ani Rivers.

Dagdag pa nito, may point guard na sila sa katauhan ni Seth Curry. Na kinuha mula sa Dallas Mavericks. Gayundin si Danny Green mula sa Lakers.

May sitsit naman na rerekta ang batang Rivers sa New York Knicks.