Nakatakdang maglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng digital driver’s license na magsisilbing alternatibo ng physical card.
Sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade na ang electronic version ng driver’s license ay maaring ma-access sa pamamagitan ng “super app” na dinivelop ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Aniya, maaring iprisinta ng mga motorista ang digital license sa mga law enforcement officers kapag sila ay nahuli, dahil katumbas din ito ng physical driver’s license.
Hindi naman tinukoy ng LTO Chief kung kailan magiging available at ipatutupad ang digital version ng lisensya.
Idinagdag ni Tugade na bukod sa digital driver’s license, maari ring gamitin ang “super app” sa iba pang transaksyon sa ahensya, gaya ng license registration at renewal, pati na rin online payment.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE