May 13, 2024

DIANA TAURASI, IGINIYA ANG PHOENIX SA 2021 WNBA FINALS

Bumida si Diana Taurasi sa panalo ng Phoenix Mercury kontra Las Vegas Aces sa Game 5 ng WNBA semis, 87-84. Nakabangon ang Mercury mula sa 14 point deficit at nasilat pa ang Aces.


Masaya naman ang coach na si Sandy Brondello sa resulta ng laban. Lalo na sa performance ni Taurasi. Gumana ang shooting nito sa 4rth quarter. Kung saan, mula sa 8 points na pagkakabaon ay nakaalpas sila.


Nalungkot naman ang audience sa home court ng Aces. Kung saan, 9,860 ang nanood sa Michelob Ultra Arena. Makahaharap naman ng Mercury ang Chicago Aces sa 2021 WNBA Finals.