May 6, 2024

ANDREA BRILLANTES, NAGPOSITIBO SA COVID, AYAW MAKAKITA NG MULTO

Inamin ni Andrea Brillantes na nagpositibo siya sa sakit na COVID-19. Katunayan, ipinagtapat niya ito sa host at ‘King of Talk’ na si Boy Abunda.


“I tested positive for COVID. Asymptomatic po. Okay naman po ako. Physically, wala akong nararamdaman. Mahirap lang po mentally,” wika ng aktres.


Ani pa ni Andrea, sinumpong siya ng insomnia at anxiety. Alive na alive siya sa umaga. Pero, pagsapit ng gabi, kalbaryo na ang nararanasan niya. Isa pa, natatakot din siya sa kanyang pag-iisa. Mag-isa lang kasi siya sa kanyang tinutuluyan. Takot aniya siya sa multo.


“Takot rin po kasi akong mag-isa. ‘Wag rin po sana kayong matawa, lapitin po kasi ako ng mga multo,” sabi pa nito.