May 5, 2024

Dahil sa positive feedback na natanggap nang umatras sa pagka-kandidato; WILLIE REVILLAME, BIBIGYAN NG BONUS ANG STAFF NG ‘WOWOWIN’

Sinabi ng actor-host na si Willie Revillame na may bonus ang lahat ng staff ng show na ‘Wowowin’.


Lahat may bonus. Share your blessings. Lahat kayo bibigyan ng bonus,” ani ni Willie sa live broadcast ng Wowowin kahapon.


Akala kasi ng staff noong magsalita siya noong Huwebes, magpapalaam na siya. Nangangamba sila na tatakbong senador si Kuya Wil. Pero, laking pasasalamat nila nang umatras ito.

Akala nila, magpapaalam na akong tunay, so lahat ko sila medyo nalungkot. Noong panghuli na, nag-iiyakan na ho ‘yan. Ano raw ang magiging trabaho nila? Kung saan raw sila pupulutin,” sabi ni Willie.


Dahil sa kanyang pag-urong sa kandidatura, puro positibo ang feed back ang natatanggap ni Willie. Isa raw siyang huwaran na dapat tularan ng iba. Na pwede naman tumulong kahit wala sa politika.


Masaya ang host dahil dun. Kaya, naisipan niyang bigyan ng bonus ang kanyang mga staff.