Nabitiw na sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) chief Jay Art Tugade, halos anim na buwan mula nang italaga sa nasabing posisyon.
Binanggit ni Tugade na rason sa kanyang pagbibitiw ang pagkakaiba nila ng posisyon ni Department of Transportation (DoTr) Secretary Jaime Bautista.
“Even as DoTr and LTO both aim to succeed in serving the public, our methods to achieve that success differ. For this reason, I am stepping down, so Sec. Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best with,” Tugade said.
Itinalaga si Tugade ni Pangulong Bongbong Marcos noong Nobyembre 17, 2022.
“I will continue to root for the LTO’s success even as a private citizen because I will always share in Secretary Bautista’s belief that our offices can be a formidable force for good in our country,” dagdag ni Tugade.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda