May 2, 2024

DEREK RAMSAY UMAMING MAY CRUSH KAY ELLEN ADARNA

IPINAGTAPAT na ni Derek Ramsay na may crush siya kay Ellen Adarna.

Ito’y matapos ibahagi ng dalawang bituin ang kanilang sweet photos sa kanya-kanyang Instagram accounts.

Nag-post si Adarna ng photo sa tabi ng pool, na sinimplehan niya ang caption na may dragon at fire emojis.

Sa comment section ng post ni Adarna, iniwan ni Ramsay ang salitang: “Crush”.

Nag-reply naman si Adarna sa komento ng aktor na: “Crush mo pa lang ako dito.. wow hhahhahaha.”

Nag-post din si Ramsay ng larawan niya at ni Adarna at gumamit ng 14 dragon emojis na nagsilbing caption.

Tila unti-unti nang binibigyang-linaw nina Ellen at Derek ang usap-usapang romantic relationship nila na nagsimula sa pagiging mag-kapitbahay lamang dati.

Nabatid na bago pa man ang love month ay nag-bonding na sila sa pamamagitan ng beach getaway, na nasundan pa mismo ng magkasama nilang pagdiriwang ng Valentine’s Day kasama ang two year old son kay John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang nang maging kontrobersyal si Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Andrea Torres at na-link sa singer na si Pops Fernandez na mas matanda sa kanya.

Sa panig naman ni Adarna, kabilang sa kanyang mga nakarelasyon bukod kay Lloydie ay ang presidential son na si Baste Duterte.