May 17, 2024

$500-K PABUYA SA NINAKAW NA 2 ASO NI LADY GAGA

NAG-ALOK si Pop superstar Lady Gaga ng $500,000 na pabuya sa makapagbabalik ng kanyang mga French bulldog na sina Koji at Gustay na ninakaw sa Holywood.

Ninakaw ang dalawang aso matapos barilin ang taga-alaga ng singer habang ito ay ipinapasyal.

Nangyari ito habang nasa Rome si Gaga na nagsu-shoot ng pelikula, ayon sa ulat ng  Daily Mail.

Ayon sa outlet, may tatlong aso ang hawak ng dog walker ni Lady Gaga kung saan dalawa ang kinuha ng suspek habang ang isa pang aso na si Miss Asia ay nakawala at sa kalaunan ay narekober ito.

Isang mamahaling uri ng aso ang French Bulldog at maaaring hindi rin alam ng mga suspek na pag-aari ng singer ang mga dinukot na aso.