May 3, 2024

Denver Nuggets, kakayod ng husto para manalo sa Game 3

Nadalawahan na ng Los Angeles Lakers ang Denver Nuggets sa Western Conference finals, 2-0.

Tabla sana ang series kung hindi lang naisalpak ng Anthony Davis ang buzzer beater shot, 105-103.

Pinuri naman ng ilang NBA players ang lucky shot ni Davis. Kabilang na rito sina Kevin Love, Donovan Mitchell, Damian Lillard at CJ McCollum.

Dahil sa panalo, lumakas ang kumpiyansa ng Lakers sa series. Peligroso naman ito para sa Nuggets.Iba aniya ang nalusutan nitong dalawang series sa playoffs.

Kung nalusutan ng Denver ang Jazz at Clippers, iba aniya ang Lakers. Kaya, dapat magtrabaho ng husto ang Nuggets para makabawi sa series.

No, no silver linings. That is the Western Convention finals,” ani Michael Porter Jr. ng Nuggets.

“So, no ethical victories, no silver linings.”

Kaya naman, inaasahang kakayod ng todo ang Nuggets upang hindi sila mabaon sa 0-3 sa serye.

Ang Game 3 ay idaraos bukas, araw ng Martes sa US(ET/8:30 PM). Araw naman ng Miyerkules sa Pilipinas.Mapapanood ang live game sa ONE Sports Channel 41 (8:30 AM). Gayundin sa NBA TV Philippines.