BUMABANDERA sa team standing ang Davao Occidental Tigers Cocolife matapos ang unang bugso ng mga bakbakan sa Pilipinas Super League (PSL) Pro 2nd Conference Dumper Cup Winzir,
Huling biktima ng defending champion na suportado nina Cocolife Pres Atty.Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo. VP Rowena Asnan at at EVP Franz Joie Araque
Namayaning muli ang beteranong ex- PBA na si Larry Rodriguez sa kanyang impresibong 14pts-8rebs at-4steals upang akayin ang Tigers sa 73-67 tagumpay sa ligang inorganisa ni PSL President Rocky Chan katuwang sina Rey Alao at commissioner Marc Pingres.
Naunang inispoyl ng Tigers Cocolife ang bagong tatag na koponang Boracay Islands noong PSL opening sa Araneta Coliseum at sinundan ng pagpakulimlim ng Tigers sa Manila City Stars bago dominahin Oragons para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Namayagpag sa ituktok ng team standing ang Davao Occidental Cocolife Tigers 3-0 kasunod ang Sta Cruz ,Laguna 2-0, ARS Warriors, 1-0, Batang Kankaloo-Caloocan2-1, Bicol Spicy Oragons 2-2, Boracay Islanders 1-2, Manila Citystars 1-2, Ecija Sashers 1-2, Munti-Emeralds 0-0, Homelab Nation Cabuyao 0-0 Pampanga Royce 0-0, Quezon City Beacons 0-0 San Juan 0-0 Koponang Lakan ng Bulacan 0-1, Cagayan De Oro- PSP 0-3.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA