Sumakabilang-buhay na si dating Chief State Prosecutor Jovencito Rocio Zuño nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2026. Siya ay 81 taong gulang.
Ayon sa opisyal na anunsyo ng kanyang pamilya, inalala ang buhay, serbisyo, at legasiya ni Zuño bilang isang mahalagang ama, lolo, kapatid, at ehemplo ng public service sa bansa.
Isinilang noong Pebrero 8, 1945, naglingkod si Zuño nang mahabang panahon sa Department of Justice (DOJ) bilang pinuno ng National Prosecution Service kung saan pinangasiwaan niya ang napakaraming kontrobersyal at malalaking kaso sa bansa bago siya nagretiro.
BASAHIN: 81% ng tech-voc graduates may trabaho agad
Gaganapin ang burol ni Zuño sa San Fernando Funeral Homes na matatagpuan sa Brgy. Marawoy, Lipa City.
Nagsimula ang viewing schedule ngayong gabi, Hulyo 29, mula 7:00 PM hanggang 12:00 MN. Inaasahang maglalabas pa ng mga karagdagang detalye ang pamilya hinggil sa mga susunod na araw ng burol at sa kanyang libing.
