May 7, 2024

Damian Lillard, pinasalamatan ni Jeremy Lin sa pagsuporta nito sa “Stop Asian Hate” campaign

Suportado ni Portland Trail Blazers star point guard Damian Lillard ang kampanya upang tigilan ang Asian Hate.

Kaya naman, ipinakita niya ang pagdamay sa Asian-American community. Katunayan, sa laro ng Portland kontra Orlando, makikitang suot-suot ni Lillard ang isang shirt.

Ito ay may mensahe na “Stop Asian Hate”.

Nakatawag pansin kay former NBA player Jeremy Lin ang ipinakitang iyon ni Lillard. Nagpost si Lin ng message sa social media bilang pasasalamat.

Wowww thanks @Dame _Lillard or the support. Legit means a LOT. Learning how I can be better ally as well,” tweet ni Lin.

Si Lin ang naging forefront ng laban kontra sa racism sa mga Asians sa United States. Na-involved siya sa racism insident sa NBA G League game. Naglalaro si Lin sa team na Sta. Cruz Warriors.

Kamakailan, nagsalita si Lin sa isang video sa Youtube kaugnay sa racism sa mga Asians. Aniya, pagod na sila sa gayung kalagayan.