May 20, 2024

Dahil pinaburan ng MMFF… MARIAN RIVERA, NILAMPASO SA KAHIHIYAN MOVIE NI VILMA SANTOS

SA nakaraang Metro Manila Film Festival 2023, halatang mas pinaburan ng MMFF ang pelikula nina Boyet at Vilma. Dinedma nila ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nang mapuna ito ng madlang pipol, hindi tumahimik ang madlang pipol at mas pinaburan nila ang pelikula nina Dingdong at Marian na ‘Rewind.’

Karma ang inabot ng movie nina Vi at Boyet, hindi manlang ito nakapasok sa bast of 5 Movies ng MMFF 2023 gayung ang pag-yayabang ni Vilma na ang Boyet at Vilma daw ang pinakasikat na loveteam.

“Maging nang nanalo siyang best Actress [ Vilma ] hindi makapaniwala ang buong Pilipinas, halos lahat nagtataka kung paaanong nangyari iyon? Kitang-kita ang pabor na ginawa sa movie niya ng MMFF at sa kanya, kaya iyong feeling ni Vilma Santos na tanggap pa siya, sinampal siya ng madlang pipol na hindi totoo ang feeling niya.

“Kung hindi pa nagwaldas ng pera ang OWWA ni Arnel Ignacio na isa niyang fan, baka hindi pa nakapasok sa pang 6 na pelikula ang movie ni Vilma. Hindi na nga naging blockbuster ang Boyet & Vilma movie na tanggal pa ito sa maraming sinehan.

“Sampal ang movie na ‘Rewind’ sa movie ni Vilma, dahil ito ang naging super blockbuster movie ng taon. Ang Vilma-Boyet movie, nag-flop dahil hindi nga ito nakapasok sa Best of 5 Movies ng MMFF ’23. Hindi pa rin natalo ng Vi and Boyet loveteam ang totoong blockbuster loveteam na Nora and Boyet sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival,” chika ng aking source.