January 27, 2025

Cocolife Sports Ambassador Keifer Ravena ng Gilas, pasiklab vs Lebanon

Cocolife Sports Ambassador Kiefer Ravena

NAKABAWI ang Gilas Pilipinas kontra Asian counterpart at powerhouse  Lebanon.

Dahil sa matagumpay na latag ng depensa ay pumutok ang kanilang  opensa partikular ang three-point area na naging mabisang sandata upang pigilan ang napipintong dominasyon ng Lebanese at itinala ng Gilas Pilipinas ang kumbinsidong 107-96 panalo kontra dayo sa ginanap na final at 6th  window ng FIBA World Cup Asian Qualifier sa  Philippine Arena nitong nakaraang Biyernes ng gabi sa Bocaue Bulacan.

Tulad ng inaasahan ay kumamada ng husto ang naturalized Pinoy na si Justin Brownlee sa tikada nitong 17 puntos katuwang ang mga  bagito pero epektibong sina Jamie Malonzo Jason Amos, Ray Parks,Dwight Ramos Scottie Thompson, CJ Perez,Heading ,toreng si June Mar Fajardo at ang nagbabalik- Gilas Pilipinas skipper na si Cocolife Sports Ambassador Kiefer Ravena tampok ang kanyang back- to- back treys na nagpamaga ng kalamangan gayundin ang  kapatid na si Thirdy na umuwi sa Pilipinas mula Japan B-League upang maglingkod para sa bansa. Katuwang si Ravena,(sports ambassador ng Cocolife nina Pres.Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz  Joie Araque sa pagpapalaganap ng goodwill sa sports community ang mga kamador ng Gilas Pilipinas sa kanyang mahusay na  orchestration, depensa at outside sniping upang tumulong na ibaon ang mapanganib na Lebanon na  nakaungos sa Gilas noong una nilang bakbakan sa Beirut.  Haharapin naman ng Gilas Pilipinas ang Jordan bukas ng gabi sa Philippine Arena.