SAN JUAN CITY — Opisyal nang naramdaman ang diwa ng Kapaskuhan sa GH Mall matapos ilunsad ang kanilang Annual Christmas Tree Lighting Ceremony kahapon, Nobyembre 14 sa East Wing Atrium, tampok ang temang “Holidays Around the World.”
Puno ng saya, makukulay na ilaw, at nagsama-sama ang mga pamilya, binigyang-diin ng GH Mall ang masiglang tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko tulad ng amoy ng Christmas ham, tugtog ng mga choir, liwanag ng dekorasyon, at saya ng Simbang Gabi.
Dinaluhan ang selebrasyon ng mga pangunahing panauhin, kabilang sina San Juan City Mayor Francis Zamora, Ortigas Land President at CEO Junie Jalandoni, EVA Airways Corporation General Manager Rick Hsieh, at RCBC Chief Commercial Officer Mylene J. Bico.
Sama-sama nilang pinailawan ang higanteng Christmas tree bilang hudyat ng pagsisimula ng masayang panahon.
Ngayong taon, ibinida ng GH Mall ang kakaibang konsepto ng “Holidays Around the World,” katuwang ang Taiwanese airline na EVA Air upang dalhin sa shoppers ang mahika ng global travel.
May Texan twist pa ang Christmas tree bilang pagdiriwang ng bagong rutang Taipei–Dallas–Fort Worth, na nagbibigay ng mas maraming destinasyon para sa mga Pilipino.
Kasabay nito, mas pinasaya ng RCBC ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng Holidays Around the World Raffle Promo mula Nobyembre 11, 2025 hanggang Enero 15, 2026.
Bukas ito sa mga RCBC credit cardholders na bibisita at mamimili sa GH Mall para magkaroon ng pagkakataong manalo ng EVA Air tickets sa mga international destinations.
Tampok naman sa buong mall ang mga kakaibang karanasang pang-Pasko, mula sa Japanese, Korean, at Italian restaurants para sa family gatherings hanggang sa international brands para sa Christmas shopping.
Isang one-stop global holiday destination ang GH Mall ngayong taon, kung saan maaaring mamili, kumain, magliwaliw at kung papalarin ay may tsansa pang manalo ng plane tickets para sa susunod na adventure.
