Umabot na sa 3,648.0268 gramo (o 3.648 kilo) ng shabu at 60.3141 gramo ng marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa iba’t ibang bilangguan at penal farm sa bansa mula nang pamunuan ito ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. tatlong taon na ang nakalilipas.
Batay sa datos ng BuCor, limang sa pitong Operating Prison and Penal Farm (OPPF) ang pinagmulan ng mga nakumpiskang ilegal na droga mula Oktubre 2023 hanggang kasalukuyan.
Nanguna ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa na may 2,166.2705 gramo ng shabu at 58.6001 gramo ng marijuana, sinundan ng San Ramon Prison and Penal Farm na may 1,032.7887 gramo ng shabu. Sa Davao Prison and Penal Farm, 410.2696 gramo ng shabu at 1.7140 gramo ng marijuana ang nakuha, habang sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) ay 26.7488 gramo at sa Leyte Regional Prison, 8.7621 gramo ng shabu.
Walang nakumpiskang droga sa Iwahig Prison and Penal Farm at sa Correctional Institution for Women, ayon sa BuCor.
“These figures are not just numbers, they represent a concerted effort to curb the flow of illegal drugs into facilities designed for rehabilitation,” ani Catapang.
