Nagpahatid ng taos-pusong pagbati si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kay Fredderick Vida, na itinalaga bilang Acting Secretary ng Department of Justice (DOJ).
Itinalaga si Vida bilang officer-in-charge matapos ma-appoint noong Oktubre si dating DOJ Secretary Crispin “Boying” Remulla bilang Ombudsman.
Bilang suporta sa bagong pamunuan, tiniyak ni Catapang na fully coordinated ang BuCor para sa maayos na transition.
Inihahanda na umano ng ahensya ang komprehensibong briefing ukol sa kanilang mga strategic plan at programa upang maipresenta kay Acting Secretary Vida ang kasalukuyang inisyatiba at mga susunod na layunin ng Bureau.
“Rest assured na ang BuCor ay 100 percent na nakasuporta sa appointment ni Acting Secretary Vida,” pahayag ni Catapang, habang binibigyang-diin ang patuloy na pakikipagtulungan ng Bureau sa ilalim ng bagong liderato. (Mina Paderna)
