November 23, 2024

BSP, NABABAHALA NA SA PATULOY NA RATE HIKE

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magpapatuloy pa ang rate hike sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bunga nito, sinabi ng BSP na mahigpit nilang binabantayan ang developments sa ekonomiya ng bansa.

Naghahanda na rin daw sila ng policy actions para hanggat maaari ay makontrol ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon pa BSP, dapat na ring magpatupad ng mga napapanahong non-monetary government interventions para mapigilan ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin.

Magugunitang nitong September ay pumalo sa 6.9% ang inflation rate mula sa 6.3% noong Agosto.

Kabilang sa nakikita ng BSP na epekto ng rate hikes ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa maraming mga bansa gayundin ang pagtaas ng singil sa pamasahe, ang epekto ng mga kalamidad sa presyo ng mga bilihin at ang pagtaas ng halaga ng asukal.

Nagbabala ang Philippine Chamber of Agriculture And Food Inc. laban sa nagbabadyang shortage ng canned sardines sa nobyembre sa pagsisimula ng tatlong buwan na fishing ban sa susunod na buwan.

Sinabi ni PCAFI President Danilo Fausto na ipatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang closed fishing season sa Visayan sea simula sa Nov. 1, susundan ito ng palawan sea sa Nov. 15 at Zamboanga peninsula sa Dec. 1.

Aniya, layunin ng fishing ban na tatagal hanggang sa February 2023 na mabigyan ng panahon ang mga isda na makapagparami at makapag-mature.

Upang maiwasan ang nagbabadyang shortage, inirekomenda ni fausto sa department of agriculture na payagan ng mga concerned local government units ang commercial fishing vessels na mangisda sa loob ng 10.1 hanggang 15 kilometers.

Inihayag ni fausto na isinumite na niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang rekomendasyon upang matugunan ang nasabing isyu.

Aniya, nasa US si Pangulong Marcos nang ipadala niya ang rekomendasyon at ifinorward ito kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban para sa kaukulang aksyon.