May 4, 2024

Boxing events sa buwan ng Nobyembre at Disyembre

Kahit may COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang ilang naka-iskedyul na big boxing events. Kabilang na ang tampok na laban sa nalalabing 2 buwan ng taong 2020.

Maghaharap sa November 28, Sabado sina Mike Tyson at Roy Jones Jr via heavyweight exhibition. Ang laban ay hatid ng BT Sport.

Tampok din ang laban ng kapwa British pugs na sina Daniel Duboius at Joe Joyce. Pag-aagawan ng dalawa ang European, Brit & Commonwealth heavyweight titles.

Samantala, maghaharap naman sina Errol Spence at Danny Garcia sa December 5, Sabado. Itataya sa laban ang WBC at IBF welterweight belts.

Susundan naman ito ng Anthony Joshua versus Kubrat Pulev bout sa December 12. I-eere ang laban sa Sky Sports Box Office. Paglalabanan ng dalawa ang WBA, IBF at WBO heavyweight title belts.

Nakatakda namang harapin ni Mexican pug Canelo Alvarez si Callum Smith sa December 19. Kung saan, pag-aagawan nila ang WBA super-welterweight title.