NABISTO ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang halos P5.7 milyon halaga ng shabu sa isang kargamento na idineklara na naglalaman ng mga damit.
Dumating ang kargamento noong Pebrero 14 mula sa Harare, Zimbabwe at sumailalim sa K9 sniffing at x-ray scanning procedures.
Sa isinagawang physical examinations sa kargamento, ay nadiskubre ang nasa 838.6825 gramo ng shabu sa loob ng 255 na mga butones ng damit gayundin sa gilid ng kahon ng karton.
Dinala at itinrun-over ang mga sample sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, kung saan nakumpirma na nagtataglay ito ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inisyuhan ni District Collector John Simon ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, i & l (3 & 4) of R.A. No. 10863 na may kaugnayan sa Section 4 of R.A. No. 9165.
Nanatiling matatag ang Port of Clark, sa ilalim ng gabay ni Commissioner Bienvenido Rubio, sa pagpapatupad ng mga alituntunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang mga hakbang laban sa ilegal na droga at mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas gayundin ang iba pang dangerous substances.
“With the enhanced measures that we are currently implementing, we will not let these illegal drugs enter our borders and reach the public,” saad ni Commissioner Rubio.
“The Bureau of Customs continues its commitment in curbing illegal drug smuggling, and we aim to prevent all attempts of illicit importations,” dagdag pa niya.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund