May 5, 2024

Gilgeous-Alexander, hindi matanggap na napunta sa Phoenix si Chris Paul

-Ilang araw pa bago magsimula ang training camp ng NBA, hindi pa rin matanggap ni Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander— na nai-trade sa Phoenix Suns si Chris Paul.

Ipinakita naman ni CP3 ang isang photo sa Instagram ang kanyang kondisyon. Handa na ito para sa kanyang 15th NBA season.

Hiling naman ng fans ni Paul na suwertihin siya sa 2020-21 season.

-Nagsabi si Andre Iguodala kung sino ang pipiliin niya kina Kevin Durant at Stephen Curry bilang 2021 MVP.

-Sinabi ng nagbabalik Houston Rockers na si Gerard Green na huwag ismolin ang team. Uto’y sa kabila na may isyu sina Russell Westbrook at James Harden.

-Nagpasya si Jared Dudley na manatili sa Los Angeles Lakers. Pumayag si Dudley na kagatin ang $2.6 million deal sa Lakers. Natuwa naman si LeBron James sa naging pasya nito.

 -Opisyal nang bumalik si Evan Turner sa Boston Celtics. Makatutuwang siya ni Brad Stevens bilang assistant coach ng team. Samantala, napunta naman si Danny Green sa Philadelphia 76er’s.