PASAY CITY – Ipinadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa mga awtoridad sa Tokyo dahil sa financial fraud.
Ibinahagi ni BI Commissioner Norman Tansingco, pinabalik ng kanilang bansa si Risa Yamada, 26, kahapon ng umaga sakay ng Japan Airlines flight.
Una nang inaresto ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI noong Enero 9 sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay City matapos ituring na pugante ng kanyang gobyerno.
Napaulat din na mayroon siyang arrest warrant na inilabas ng Tokyo Summary Court noong Setyembre 15, 2022 dahil sa kasong Theft.
Nakasaad sa report na nakipagsabwatan ni Yamada sa iba pang suspek sa pagnanakaw ng datos ng mga ATM cards ng kanilang mga biktima upang matangayan ng pera habang nagpapanggap na tauhan ng bangko at mga pulis.
Nabatid rin na undocumented alien na si Yamada makaraang kanselahin ng gobyerno ng Japan ang kaniyang pasaporte.
Bilang resulta ng kanyang deportasyon, isinama na ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI, na nagbabawal sa kanya na muling makapasok sa Pilipinas.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO