Sa mundo ng showbiz, isang litrato lang ang kailangan para umikot ang tsismis. At muling napatunayan ‘yan ni Bea Alonzo.
Kamakailan, kumalat sa social media ang litrato ng aktres kasama ang kanyang nobyong si Vincent Co, at gaya ng inaasahan, mabilis na nagpasiklab ng usap-usapan: “Buntis daw si Bea!”
Pero teka lang — hindi lahat ng glow ay pregnancy glow.
Sa halip na magpaapekto, cool at classy na sinagot ni Bea ang mga haka-haka sa pamamagitan ng kanyang birthday post:
“Just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting.”
Boom. Drop mic.
Tama naman, ‘di ba?
Sa panahon ngayon, tila napakadaling husgahan ng netizens, konting taba, buntis daw; medyo tahimik, hiwalay daw.
Nakakalimutan ng ilan na tao rin ang mga artista, may moments din na hindi photogenic ang angle, at minsan, simpleng kabusugan lang ang nakikita sa litrato.
At kung totoo man ang “glow” ni Bea, baka naman dahil sa happy love life niya kay Vincent Co — hindi dahil sa pagdadalang-tao.
Isang masayang relasyon, magandang career, at kapanatagan sa sarili — sapat na ‘yan para maging glowing ang isang babae.
Kaya sa mga marites na laging nakaabang, tandaan: hindi lahat ng belly ay baby belly — minsan, dessert lang ‘yan after dinner! He he he…
Happy birthday, Bea , keep glowing, keep growing, and keep showing class amidst the chismis.
