September 9, 2024

Basta aprub sa FDA | PAGBEBENTA NG RAPID TEST KITS SA MGA DRUG STORE, OKS SA DOH

Pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang pagbebenta ng rapid antibody test kits sa mga drug stores basta aprubado na ito ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi ipinagbabawal ang pagbebenta ng rapid antibody test kits sa mga drug stores kung rehistrado ito sa FDA.

Kasabay nito, nagbabala si Usec. Vergeire sa mga nagbebenta ng rapid tests na walang approval ng FDA lalo sa pamamagitan ng online selling dahil mapaparusahan ang mga vendors.

“Itong pagbebenta ng rapid anti-body tests sa drug stores ito ay hindi naman ipinagbabawal, ngunit kailangan po rehistrado ng FDA ‘yung ating ibinibenta diyan,” ani Usec. Vergeire.

Sa ngayon, nasa 204 COVID-19 test kits na ang aprubado ng FDA.