Inaasahang lalakas pa hanggang sa mga susunod na araw ang bagyong may international name na Surigae habang papalapit sa Pilipinas.
Ayon sa Pagasa, maaari itong makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na araw ng Biyernes.
Huli itong namataan sa layong 1,165 km sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph. Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO