Nagalit daw si Awra Briguela nang hindi siya pagbigyan ng isa sa mga lalaki sa Poblacion bar na hubarin ang kanyang pantalon, ayon sa complainant.
Ayon sa Makati police, wala raw gustong lumapit para maghain ng reklamo kaugnay sa alegasyon na dinepensahan lang ni Awra ang isa sa kanyang mga kasama na umano’y hinipuan sa nasabing resto.
Makikita sa CCTV footage, na dakong alas-5:00 makakitang lumabas na ang mga kasamahan ni Awra sa establisyemento at nakipag-fist bumps pa sa grupo ng mga complainants.
Bagama’t makikita ring nakipag-usap pa si Awra sa complainant, na nagtanggal ng kanyang suot na damit.
Ayon sa complainant, nais daw ni Awra ipahubad ang kanyang pantalon pero nagalit ito matapos siyang tumanggi.
Mapapanood din sa video na umalis na grupo ng complainant sa bar habang inaawat ng mga bouncer si Awra na patuloy sa paghabol.
Ang sumunod na eksena ay ang rambulan ng dalawang grupo sa labas ng bar.
Dumating ang mga pulis at nang matigil ang away ay inaresto na si Awra.
Ayon Makati Police Station chief PCol. Edward Cutiyog, sinubukan daw pakalmahin ng mga pulis si Awra pero minura sila nito at hindi sumunod sa mga awtoridad.
Kaya binitbit nila ito sa police station.
Kaugnay naman sa social media post patungkol sa umano’y hinipuan ang isa sa mga kasamahan ni Awra, sinabi ni Cutiyog na wala namang naghain ng reklamo kaugnay sa umano’y harassment.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag