INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P500 ang buwanang ayuda sa mga mahihirap na pamilya upang makaagapay sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin sa bansa.
“Gawin na natin na P500. Bahala na ang susunod na presidente, saan siya magnakaw. Basta ibigay natin P500,” saad ni Duterte.
“I hope this will go a long way to help. Huwag sayangin sa e-sabong,” dagdag niya.
Ayon kay Duterte hindi sapat ang P200. Inatasan niya si Finance Secretary Carlos Dominguez na humanap ng pondo para maitaas sa P500 ang buwanang ayuda.
“I’d like to announce, sabi ko kay Sonny, on the ground, iyong feedback sa ayuda niya na P200. Sabi ko sa kanya, it is too small sa isang buwan, hanap ka [ng] pera. Masyadong mababa ‘yan,” ayon kay Duterte.
“It is not enough for a family of three, even four or five, iyong sa baba ang pinakaramaraming anak,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA